Bakit Pangit ka?
by: Buangoi
Wala daw pangit sa mundo. Kung totoo yan eh anong tawag sayo? maganda ka? gwapo ka? sa 23 years ko sa mundong ito, napansin ko na mas madami pang napapansin na pangit ang tao sa kapwa nila at sa sarili nila kesa sa maganda. Kaya I therefore conclude in the name of the old and new gods na pangit tayong lahat, no exceptions! pangit ka, pangit ako, pangit yung crush mo, pangit yung nanay mo, pangit ung tatay mo... huwag niyo akong sisihin kung bakit pangit ka, bibigyan ko na lang kayo ng listahan ng mga rason kung bakit pangit ka...
1. GENES - Minana mo yang mukha mo sa Nanay at Tatay mo! kaya be proud of that ugly face!!! Madaming kapintasan sa iyo, wag mo ito itangi! karamihan doon ay minana mo lang sa mga mukha ng magulang mo kaya sila ang sisihin mo, huwag ako. Isisi mo lahat sa nanay at tatay mo ang namana mong ilong, ang kulay ng kutis mo, ang sira sira mong labi, muldagat mong mata, tenga mong nakausli, buhok mong hindi masuklay. Isisi mo lahat sa Nanay at Tatay mo na panget ka, ang Global warming, Green house Effect, Gobyerno at kung bakit may Jejemon sa mundo. At huli sa lahat pangit ka kasi wala kang boobs.
2. PERFECTO - noong nag aaral pa ako sa SLU, may isang building doon na nagngangalang Waldo Perfecto Building, doon ang building ng mga Human Sciences. Doon ang building na tambayan ko, dahil madaming nakaskirt at mga Babaeng tinatawag ng karamihan na "CHICKS". Pero hindi ko nilagay yang perfecto dito sa blog na 'to para sabihin na tumitingin ako ng mga nilalang na tinatawag na "CHICKS" sa building na iyon. "Nobody is Perfect" therefore panget ka. tayong mga tao din ang nagbigay ng Pang-uri sa salitang Perpekto, tulad ng maputi, matangos, mapayat, mabait, mapungay, makinis at matangkad. karamihan ng mga pang-uri na yan ay kabaliktaran ng mukha mo, kaya pangit ka. Kung hindi naman... pangit ka parin...
3.SELF SERVICE - Ginawa mo yan sa sarili mo... magdusa ka... kakain ka ng baboy na parang wala ng bukas tas bukas titingin ka sa salamin tas pagmumurahin mo ang tyan mo hangang sa maglayas na ito at tuluyan ka ng iwan sa mundong ibabaw... pero alam mong kahit anong mura mo dyan hindi yan maglalayas... kailangan mong suntukin at tadyakan tas tutukan mo ng baril habang umiiyak siya na nagmamakaawa para sa buhay niya... Pangit ka dahil ginawa mo yan sa sarili mong katawan at mukha. sino ba kasi nagsabing effective yang mena? hindi mo na lang sana nilagyan ng calamansi at suka tenga mo para kuminis ito, hindi mo na lang sana nilagyan ng sandamakmak na diet pills ang pwet mo edi sana hindi nasira atay mo. pangit ka dahil pangit ka.
4.POOR - pangit ka kasi wala kang pambili ng make up mo, kulang ang naipon mo para sa lipstick na inaasamsam mong pantakip ng labi mo dahil sawa ka na sa kiwi shoe shiner. Ilang taon mo na gusto bumili ng sarili mong sipilyo na pinaghahatian nyu ng sampu mong kapatid. Hindi mo alam kung pantay na yung blush on sa gabi dahil pitong buwan niyo nang hindi nababayaran ang kuryente. Pangit ka kasi bathtub mo canal, pagbumaha nagcoconvert pa siya na swimming pool. Leptospirosis and ulam mo pag umaga at diarrhea naman sa gabi, Mas malaki ang bulate mo kesa sa bituka mo. Pangit ka kasi mahirap ka.
5. JEJEMON - Pangit ka kasi Jejemon kang mokong ka. Sino ba kasi nagpauso ng fashion statement niyo? anong channel niyo ba nakita na kailangan nakapatong lang ang Jejecap mo sa ulo na pag hinipan lang ng katabi mo ay lilipad na ito papuntang Jupiter? San niyo ba kasing nalaman na bagay ang super tight skinny jeans sa mga lalaki at teternohan pa ng rambo slippers? pangit ka kasi nagsuot ka ng "HAWAIANAS" , "HAVANA" at "IPANIMA" ng hindi nag gugupit ng kuko sa paa, yung tipong shinoshowcase mo pa mga itim-itim sa gilid ng kuko mo kapag nagtsitsinelas ka. Panget ka kasi yung porma mong pang jejemon , malayo palang mukhang mabaho na. Pangit ka kasi Jejemon kang Mokong ka!
6. HINDI KA TAO - Pangit ka kasi Alien ka, hindi ka ipinanganak na tao. Alien ka na nagtatago sa anyong Chanak. Namatay ka na dati at bangkay ka na lang ngayon, ZOMBIE ka! ZOMBIE kang hayop ka! Gusto mo lang kumain ng utak ng tao at kunwari may nakaipit sa pwet mo kaya hindi ka makalakad ng maayos! ... Pangit ka kasi Mananagal kang hinayukap ka, magpapafoot spa ka tapos maglalaro ka sa computer shop hangang hanapin ka nanaman ng nanay mong kapre. Pangit ka kasi tutubi ka... ikaw yung hinuhuli ko sa palayan pagkatapos ko umihi sa talahib. Kamukha mo yung ipis na tinapakan ng sea horse.
7. HULI NA 'TO - Pangit ka kasi huli na 'to. Wala ng kasunod itong numero na ito kaya pangit ka, pangit! pangit!... Pangit ka kasi pinili mo yan. Pangit ka kasi sinabi nila yan sa'yo. Kung hindi lahat ng tao pwedeng maging maganda sa paningin nating lahat. mas madali na lang isipin na lahat tayu pangit. Pangit ka kasi hindi ka maganda o gwapo, pero importante ba yun? kung pangit ka ibig sabihin ba malungkot ka na? kahit ano itsura o, kahit anong lahi mo, kahit maliit o malaki ang ilong mo, pangit ka padin :) ang importante ay kung masaya ka o hindi, Pangit ka na nga malungkot ka pa XD
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento